Saturday, June 25, 2011

Panalangin Sa Panahon Ng Bagyo [Prayer In The Time Of Storm]

aming ama sa kalangitan
[our father in heaven]

diyos ng ulap, hangin at ulan
[god of the clouds, wind and rain]

lubos kang makapangyarihan
[you are most powerful]

sa iyo'y nagkukubli
[we seek shelter]

nawa'y pakinggan
[hear our pleas]

ngayong araw ng di katiyakan
[on this day of uncertainty]

hanap nami'y basbas
[we seek your blessing]

pagbuhos mong gabay
[pour forth your guidance unto us]

sa pahamak, ilihis
[lead us away from danger]

iadya sa sakuna
[protect us from disaster]

iligtas sa panganib na bumabadya
[save us from the coming perils]

nang sa agos ng dalamhati'y, di matangay
[that we may not be swept away by the deluge of sorrow]

patawarin kaming may sala
[forgive us sinners]

sa aming kapabayaan
[for our carelessness]

sa aming kakulangan
[for our shortcomings]

marapatin ninyo na sanang
[may you let it come to pass]

kami ay magising
[that we wake up]

sa muling pagsikat ng araw
[as the sun rises anew]

umaapaw sa pananampalatayang
[overflowing with faith]

sa inyong kadakilaan
[that in your greatness]

walang hindi maaari
[nothing is impossible]

amen.