Tinanggap ko na sa sarili ko na kapag sinulat ko to, eh siguradong tatamaan ako sa isa sa mga criteria na gagawin ko kung single parin ako. Haha. Pero syempre kung single man ako ay hindi naman ako aamin kung saang part ako tinamaan ng todo. Yung tipong saksak puso, tulo ang dugo. :D
Bakit nga ba merong mga single na tao na palakad-lakad sa school, sa labas ng bahay, sa mall, sa simbahan, sa kubeta, sa balon, sa kweba, sa taas ng puno ng niyog, sa bus, sa tren, sa Afghanistan at kung saan-saan pa? Siguro kase isa sila sa mga ito.
( O baka isa ka din sa kanila.haha.) :P
1. Inugat ng Tadhana
Meron kaseng solid fans ng destiny. Yung tipong hindi talaga sila gagawa o aaksyon para magkaroon sila ng special someone. Maghihintay lang talaga sila ng ibibigay ng tadhana, kumbaga hinihintay lang nila ung pagkakataon na may makakabunggo ng gamit nila sa school, babagsak sa flooring, tutulungan, mag ha-hi and then boom! they became coco crunch! :)
2. Wala akong Panahon sa Love!
Ito naman yung mga palaging busy sa ginagawa nila at wala na silang panahon sa pag-ibig. Kung engineering student, burado na yung keypad ng calculator at ultimo problema mo hihingin nya may maisolve lang. Masaya ang mga tao na ito na pumapasok sa school at kontentong gumagawa ng samu’t saring requirements kahit na sa susunod na taon pa ito ipapasa. Lahat ng gagawin nila ay may nakalaang time, sa isang aspeto lang wala, at tama ka sa iniisip mo.
3. Like a G6
Ang mga single na ito ang may pinakamasayang lifestyle. Basta masaya lang, kung pwedeng araw-araw eh party, sige lang. Pwedeng kiligin, magpakilig, magpapaasa at kung ano-ano pa isa lang ang hindi pwede, ang makipagrelasyon. Hindi ka na pwede sa kanila kapag sumeryoso ka dahil ang feelings nila ay mas mabilis pang magbago kaysa sa pagpapalit mo ng underwear. Aamin silang gusto ka nila pero susundan nila ito ng isang malupit na dahilan kung bakit hindi kayo pwedeng magkarelasyon.
4. The Idealist
Mga taong hindi nabubuhay sa reality at may napakagagandang idea sa pakikipagrelasyon at sa paghahanap nito. Meron silang kongkretong basehan ng tamang taong mamahalin nila na kahit korte suprema ay hindi kayang mabago ito. Kung kaya naman kapag nalisya ka ng kaunti sa kanilang criteria, pipituhan ka nila na para kang may violation sa kalsada.
5. Ooops, Wrong Timing!
Ito yung mga taong palaging sinasabing may tamang panahon at pagkakataon sa love. Ito ay dahil masyado pa silang bata o kaya naman ay masyado ng matanda para sa pag-ibig. Madalas hindi lang talaga tama ang pagdating ng pag-ibig sa kanila o minsan sadyang wala lang talagang tamang panahon para sa kanila.
6. Rated PG
Hindi pa pwedeng makipag relasyon dahil ayaw pa nila papa at mama. Kahit sabog na sabog na ang hormones mo sa katawan dahil inlove na inlove ka na, nananatili kang single dahil mahal mo ang iyong mga magulang. Maganda lang ang ganitong tipo ng single kung ikaw ay edad 20 anyos pababa. Karaniwang highschool-college freshmen lang kasi ang binabagayan nito.
7. Dahil may check pa si ex
Ang pagiging ex ay hindi lang yung naging bf/gf mo dati, kasama din dito yung nakarelasyon mo ng higit sa kaibgan kahit hindi naging formal na kayo. Ito yung tipo ng single na ipamamalita sa buong sambayanan na siya ay maligaya bilang isang single, nakita lahat ng advantage ng isang pagiging single, nakamove on na pero kapag mag-isa ay umiiyak naman at walang sawa sa pagrereminisce ng harutan nila noong araw ng kanyang labidabs kahit pa currently ay (use desired word here) na siya sa iba.
8. Single yet in love
Mga taong alam na hindi lahat ng love ay nakukuha sa pakikipagrelasyon, naniniwala sila na pwede namang maramdaman ang pagmamahal sa isang tao kahit sila ay single. Karaniwang martir ang mga ito pero may iba naman na sadyang naghihintayan lang sila ng kanyang minamahal pero for the mean time, single muna pareho.
9. Tinamaan ng Trauma
Dahil sa narealized mo na ang mga love songs, tele novela, soap opera, chick flicks at mga nakaraang relasyon mo ay hindi naman totoo lahat, itinatak mo na sa isip mo na hindi ka na talaga magmamahal at nagpatatoo ka na sa braso ng “Never Again.” Sawa ka na din sa mga luha mong kayang higitan ang tsunami sa Japan at ang paglalagay mo ng makapagbagdamdaming post sa facebook at twitter.
10. Kaibigan ko kase eh..
Mga tipo ng unrequited love, single ka kase mahal mo yung kaibigan o best friend mo pero talagang naturukan lang siya ng dalawang litro ng pampamanhid kaya wala talaga siyang kamalay-malay na siya ang buhay mo. O di naman kaya ay nanghihinayang ka sa inyong pagkakaibigan kung kaya mas pinili mo nalang na mahalin siya na para kang secret agent. Ikaw din yung palaging gumagamit ng “I’m really happy for the both of you” at “Malay mo meant to be nga kayong dalawa (sabay bulong ng p*ny*ta!)”
11. Capital A-Y-A-W
Mayroon lang talagang taong ayaw ng special someone, hindi naman dahil ayaw nilang magkaroon ng partner o dahil wala sa tamang panahon, meron lang talaga silang nakakalunod na dahilan kung bakit ayaw nila at wag na nating paki-alaman yun. Medyo weird pero may mga nageexist na ganyan.
12. Pinanganak Akong Single!
Sino nga naman bang pinanganak na meron nang kasamang special someone? Wala diba? Yan ang prinsipyo nila, pinanganak na single, mabubuhay at mamatay na single. Tanggap nila na ang buhay nila ay nakalaan para sa ibang bagay at hindi pwdeng makihati dito ang sinuman. Sila ang karibal ng mga pari at madre sa gift ng celibacy.
13. Kunwari Ayaw
Ang panghuli sa listahan at naniniwala akong madaming ganito, mga single na nagkukunwari ng ayaw sa relasyon pero ang totoo ay wala palang talagang may gusto sa kanila o kaya naman ay may gusto sila pero ayaw naman sa kanila. Ginagawa nila lahat ng paraan para magkaroon ng bf/gf pero wala talaga. Kaya for the mean time, kunwari na ayaw pa muna nila ng relasyon. Sana lang ay wag silang habang buhay magkunwari.hehe
So ngayon, alam mo na siguro kung anong lahi ka ng pagiging single Pure breed ka ba? Half o Mixed? :)
Cheers!.. :D
mixed 5, 6, 8, and 12!hahaha
ReplyDelete