Monday, December 20, 2010

Paskong Alaala

since christmas and my birthday is just few days away, i just wanted to share this one to all those people na sobrang importante sakin. thank you guys for always being there for me throughout my whole life. para sa inyo 'to. it's a christmas song for you all.

mahal ko kayong lahat. o^_^o


PASKONG ALAALA

sasapit din ang araw malayo pa't tinatanaw
naghahandang umaga ang ating panimula
lalasapin sa hangin ang pag-ibig ng bawat isa

kanlungan ng paglaya, paghimig mo'y isang tula
kalingap ang liwanag, sa lilim ay tumatahan
naririnig ng langit ang tinig ng bawat isa

lulamig narin ang simoy ng hangin
sabay sabay tayong manalangin
ang araw ng pasko ay damhin mo

buhay ko'y sadyang may ligaya
sa piling nyo'y lubos ang pag-asa
ang diwa ng pasko ay nasa ating puso
dala dala ko ang liwanag ng buhay

pagtipon at pagsibol ang araw ay walang hanggan
narito ang panahon, kapiling nyo pinagmasdan
ang makulay kong buhay

lumalamig narin ang simoy ng hangin
sabay sabay tayong manalangin
ang araw ng pasko ay damhin mo

buhay ko'y sadyang may ligaya
sa piling nyo'y lubos ang pag-asa
ang diwa ng pasko ay nasa ating puso
dala dala ko ang liwanag ng buhay

No comments:

Post a Comment