Sunday, August 1, 2010

Self Awareness

lahat ng nakalagay dito eh ang sinabi ko sa aming self awareness

1. Ako ay...

- simpleng tao lang, mababaw lang kaligayahan ko. minsan napagkakamalan akong anti social dahil hindi ako mahilig magsasama kung kani-kanino. mas gusto kong mapag-isa, atleast kapag ganun wala akong nasasaktan, wala ring nakakasakit sakin. tahimik din akong tao, hindi kasi ako mahilig magsalita kung wala namang silbi yung sasabihin ko.

2. Masaya sana ako kung...
- conservatory of music ang course ko, bata palang kasi ako yun na talaga ang gusto ko. masaya rin siguro ako kung kasama ko padin ang mga kaibigan ko na wala na ngayon at mas masaya siguro ako ngayon kung sya ang naging GF ko.

3. Di nila alam na ako ay...
- na ako sensitive na tao. ewan ko kung nararamdaman nila yun. haha. di rin nila alam na mahilig akong gumawa ng tula at mga fictional stories.

4. Ang pamilya ko ay...
- simple lang. di naman kami mayaman eh, pero kahit ganun masaya padin kami sa pamilya namin, kasi sama sama naman kami, kumpleto kami. minsan may mga problemang pinagdadaanan, pero nalalampasan namin yun ng magkakasama.

5. Pinagsisisihan ko ang...
- wala naman akong pinagsisisihan eh. lahat ng nangyari sa buhay ko may natutunan ako. siguro kung may pagsisisihan lang ako eh yung relationship namin dati ng ex-girlfriend ko, hindi ko kasi nasuklian yung pagmamahal nya dati eh.

6. Nasasabik akong...
- makagraduate. lahat naman siguro nasasabik para dun diba? nasasabik din ako na makita at makasama ulit si papa, kahit na hindi ko ipinapakita, namimiss ko din ang tatay ko. syempre nasasabik din akong magkaroon ng Nikon D90. haha.

7. Ang naaalala ko sa aking kabataan ay...
- marami parin akong naaalala sa kabataan ko eh. lahat kasi ng mga yun tumatak sa isipan ko. yung mga masasaya at malulungkot na karanasan, yung mga kalokohan, lahat yun naalala ko padin.

8. Ang aking ambisyon sa buhay ay...
- makapagtrabaho sa St. Luke's Hospital, oo, ambisyon ko na talaga yun dati pa, kaw ba naman magkaroon ng mga kamag-anak na nagtatrabaho dun. ambisyon ko ding maging music artist someday, haha. at syempre ambisyon ko din ang ambisyon ng lahat, ang mabago ang Pilipinas.

9. Kailangan kong maging matatag para sa...
- sa sarili ko, sa pamilya ko at sa mga taong nagtitiwala sa akin.

10. Galit ako sa...
- mga taong sinungaling, mga manggagamit, mga mayayabang, yung sarili lang ang iniisip, galit din ako sa plastic, galit ako sa mga tita kong pagkayayabang wala namang ipagmamayabang.

11. Ang pinakamabigat kong problema sa buhay ay...
- kung makakahanap ba ako agad ng trabaho pagkatapos kong mag-aral. alam ko matagal pa yun, pero syempre pinoproblema ko nadin yun

1 comment: